Sabado, Oktubre 13, 2012

"Asayment! Asayment! Suntukan!"


Ilang buwan na ang nakalipas nang kumalat ang larawang ito sa ilang social networking sites. Nakikita sa larawan ang isang headline sa diyaryo na may mga katagang "Homework Bawal na sa Weekends". Lumabas din ito sa mga balita sa telebisyon at diyaryo. Naging iba iba ang pagtanggap ng mga tao. Ang ilan ay natawa, at ang iba ay natuwa, at may mangilan-ngilan ding hindi nasiyahan sa panukalang ito.

Ilang buwan ang nakalipas, inilabas ang "DepEd Memorandum No. 392 orders teachers to avoid giving assignments to students on Friday, citing parents' complaints about the heavy weekend study load of their children." Ayon sa polisiyang ito, bawal magbigay ng assignment ang mga guro tuwing Sabado at Linggo upang magkaroon ng bonding at pahinga ang mga batang mag-aaral.

Dahil dito, naisipan kong kapanayamin ang aking kapatid na si Princess Mikhaela Franco Manikan, isang Grade 7 student, patungkol sa isyung ito. Tinanong ko siya kung ano ang opinyon niya patungkol dito, lalo na't inabutan niya noong Grade 6 pa siya ang panukalang ito.

"Syempre masaya!Dati nung elementary ako meron ng ganyan pero walang patawad ung mga teacher ko kasi hindi naman nila sinusunod yan. Nakakaasar ehh! Nagbibigay pa din ng projects at assignments. Sabi sabi pa sila family day daw tapos ganyan ganyan pero nagbibigay pa rin. Nakakainis!"

"Umaagree ako jan sa picture. Shinare ko pa nga yan dati sa FB. Dapat naman kasi wala naman talaga ehh. Limang araw na nga pasok ko sa isang linggo tapos magpapaassignment pa? Ano? Walang pahinga?"

Isa ang kapatid ko sa maraming nahihirapang mga mag-aaral na sumasangayon sa panukalang ito. Isa siya sa  mga natuwa pero nainis dahil hindi naman daw natutupad at nasusunod ng mga guro ang panukalang ito. Mababasa sa isang artikulong ito: http://www.sunstar.com.ph/cagayan-de-oro/local-news/no-assignment-policy-has-positive-negative-effects-deped-exec mula sa sunstar.com.ph, ang ilang positibo at negatibong reaksyon ng mga tao kaugnay ng isyung ito.

Maganda ang hangarin ng polisiya ng DepEd para sa mga mag-aaral. Nawa'y sundin ito ng lahat ng guro dahil para din ito sa ikabubuti ng mga batang pag-asa ng ating bayan.

3 komento:

  1. Dapat all school levels di lang sa elementary, overloading assignments, projects sasabayan pang exams.
    Unnecessary stress to students ..has been affecting entire family and health of the students...

    We know the fact that kids learn more outside the school..

    Ed Guevara, holistic educator and trainor of Deep Ecology..

    TumugonBurahin
  2. Bakit ang Grade I are carrying 15kilos of luggage sa svhool na fi nam nila kayang buhatin kaya ksama si Parents st si Yaya sa paghatid sundo...
    What are we overloading our children with? Memorize system is losing Common Sense!

    TumugonBurahin
  3. ENGINEERING SCHOOLS should have and provide a Workshop with complete tools and equipments with required materials
    For whatever projects and requirements Engineering course needed to facilitate their work and that what they had paid for.

    TumugonBurahin