Maraming ideya sa aking isipan ang hindi ko maayos, magulo pero masaya. Common na ang alphabet na A-Z, pangangailangan para matutong sumulat at bumasa. Sa buhay, B-D lang, mula birth to death, na pinapagitnaan ng choices. Eh nung hayskul ako, may istorya din ang alphabet ko, eto ha, share ko.
Nagsimula ako sa Admiration, hinahangaan ko bawat kilos niya, yung tipong masama o mabuti, iniembrace ko, kasi siya yun. I am so Blessed na nakilala ko siya, nakaramdam ako ng Contentment, masaya na akong tanaw ko siya mula sa malayo. Delightful ang feeling kapag mula pa lang sa umaga siya na ang nakikita ko, kahit recess time, uunahin ko pang tignan kung kumakain na ba siya, at alam niyo ba, buong hayskul life ko eh burger at iced tea ang kinakain niya. Energy ang hatid ng bawat tingin niya, kaya naman may expectation sa akin, eto n nga, hindi naman ako nabigo, naging Friends kami, we started to enjoy the company of each other. At last, Gratified talaga, reward yung naging kami. Given na yung minamahal namin ang isa't isa, pero sobrang thankful ako kasi Honest sya, hindi man ako magtanong, hindi ko man hilingin, gingawa na niya agad, hindi dahil responsibilidad niya yun, kung hindi, mahal niya ako alam ko. Involvement, walang ikaw o ako, laging TAYO, Just the two of us ikanga. Hindi lang pera ang baon namin sa school, Knowledge din tumgkol sa isa't isa, lagi naming minimaintain yung newly couple stage, yung hindi kami magsasawa sa isa't isa. Lucid kami pareho, kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan namin, kahit anong mood meron kami, palagi naming iniintindi ang bawat isa, walang sumusuko, matapos ang isang mahabang diskusyon, isang yakap lang, okay na, kalma na lahat. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon eh okay ang sitwasyon, minsan may mga bagay din kaming nagagawa na nakakasakit sa isa't isa, hindi man namin sadyain, andun na eh, nakakasakit pa rin. Pero kami ang Magnanimous na couple, hindi kami takot magpatawad, hindi nag-aalinlangan, alam namin na sa kabila ng mga nangyari, merong chance para bumawi, gawing better ang lahat. Pero bakit ganun? Not enough minsan. Yun na nga ang mahirap, minsan lang, minsan lang magkulang lalayo na ang loob, nagkakaroon ng doubt, uncertainty, nagagawang kalimutan lahat ng masaya at magandang ginawa ng isa, dahil lang sa MINSAN. Naguumpisa ng magtanong ng "masaya ka pa ba?mahal mo pa ba ako?". Obsessed daw kami sa isa't isa, pero iniisip ko na lang, mali ba? Patience lang naman yan, yung mga araw nga na hanggang tanaw ko lang siya nahintay ko naman, eh ngayon pang kami na? Quiet na lang ako minsan pag alam kong naaasar na siya, we both know when to speak and when to shut our mouth. Minsan kasi, kailangan din namin ng time para sa mga sarili namin, ang sarap isipin na mahal niya ako, mahal ko siya, pero dapat laging MAHAL KO ANG SARILI KO. Hindi ko sinasabing maging selfish, ang akin lang, nagsisimula lahat sa sarili. Respeto, yan ang bagay na hindi namin hinahayaang mawala, parehong pinapakinggan ang opinyon ng bawat isa, hindi na namin pinipilit pang ijustify ang point of view ng bawat isa, ang importante, yung tama, yung makakabuti, yung magpapasaya. Kahit anong mangyari, Sentimental siya sa akin, Treasure na hindi ko ibabaon sa lupa, kung hindi mamahalin, aalagaan at pagyayamanin ko pa. Unselfish love yata talaga itong matatawag, sumusugal sa bagay na hindi mo alam kung anong kahihinatnan, pero ito lang ang sugal na hindi ko panghihinayangan, malaya kong papadaluyin ang luha ko para sa kanya. Valuable kasi talaga siya sa akin, siya ang nagsisilbing strength at Weakness ko. X, walang magiging x sa amin, siya ang present at future. Wag na kayong maghanap ng Z, hindi pa tapos ang love story.
Yan ang aking hayskul alphabet. Maraming letra na punong-puno ng alaala. Siya ay bayabas, at ako si Juan Tamad, kay tagal ko siyang hinintay at sa wakas nahulog pa rin siya sa akin. Siya ang jeep ng buhay ko, PARA siya sa akin. Hinding hindi ako magsasawa sa kanya kagaya ng paborito kong mani, dahil PEANUTibok niya ang puso ko.
Corny? pero nakarelate ka! Patuloy... Patuloy kami...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento