FIELD TRIP
Field trip – Enchanted Kingdom, Star City, Gardenia Factory House,
Luneta Park at Pambansang Museo.
Naging trademark na ng Field Trip
ang mga sikat na lugar na ito sa ating mga kapwa estudyante. Kapag sinabi na ni
teacher na malapit nang mag-field trip, labis labis ang kaligayahan ng mga
kabataan. Mabusising paghahanda ang ginagawa bago sumapit ang araw mismo ng
Field Trip. Kahit isang araw lang yun pero kung makaempake naman sila ng gamit
parang hindi na babalik sa bahay. Magdadala ng maraming pagkain, damit at mga
gadget tulad ng camera at mp3 upang hindi mainip sa byahe. Kung minsan pa nga’y
hindi na makatulog dahil sa sobrang excitement na nadarama sa papalapit na
lakbay-aral nila.
Bakit ba may Field Trip? Ano ba
ang naitutulong nito sa ating buhay sa elementary at sekondarya?
Nakapanayam ko si Ms. Ericka
Jimenez, isang 3rd year Elementary Education student mula sa
Kolehiyo ng Edukasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o PUP at atin
siyang kinausap ukol sa usaping ito maging sa isyu ng pagpaplano ng Department
of Education ukol sa pagbabawal ng field trip dahil umano sa mga sunod sunod na
insidente ng aksidente na naganap sa nakalipas na buwan. (Kung nais mong mabasa ang artikulo tungkol dito, maaaring iclick ang link na ito: http://beta.abs-cbnnews.com/nation/regions/09/14/12/deped-mulls-banning-outdoor-field-trips)
Ang field trip, lakbay-aral kung
ating tawagin sa Filipino, ay isang pribilehiyo para sa ating mga mag-aaral.
Nagbibigay pinto ito para sa atin upang lumawak ang ating kaalaman na ating
natutunan mula sa apat na sulok ng ating klasrum. Nagbibigay oportunidad din ito
sa atin na bigyang ligaya kahit konti lamang ang ating mga sarili mula sa
tambak na mga assignments, exams, recitation at term papers na ipinapagawa sa
atin ng ating mga Maam at Sir. Sabi nga ni Ericka sa ating mga estudyante, “nagkakaroon ng social interaction sa mga kaklase, different kinds of
people, interesting yung learning dahil natutuwa sila.”
#SherwinSTinampay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento