Huwebes, Setyembre 20, 2012

Oh Cramming! Oh why?

Oh Cramming! Oh why?

Note: Ang article na ito ay maaring patama na rin sa akin.

Naranasan mo na bang magpuyat at uminom ng sangkatutak na kape at energy drink wag lamang dalawin ng antok , daig pa ang humaharibas na kabayo sa pagmamadali maihabol at matapos lamang ang mga requirements na dapat ipasa. Yung tipong one month ang "preparation" pero ngayon mo lang gagawin dahil bukas na deadline. Masasabi nating sakit na ito ng mg mag-aaral, ang makipaghabulan sa oras. Sa makatuwid ang magcram ng magcram.

Pero aaminin ko, gawain ko rin to "minsan nga lang". Minsan kasi nawawala na study habits ng isang tao ang "time management", hindi ko kasi alam kung paano hahatiin ang oras ko kahit na madalas akong magmulti-task. Parte na ito ng aking talasalitaan na pilit kong inaayos.

Talaga namang masasabing "nerve-wrecking" at mas "challenging" ang pagka-cram, bumibilis ang takbo ng pag-iisip mo at aktibong-aktibong nagtatrabaho ang mga neurons sa utak mo. Kung saan ito pala ay mabisa dahil nagagawa mo ang isang bagay ng mabilis sa loob ng maiksing panahon.

Pero ayon nga kay JM de Guzman "Cramming is Evil" kung saan may punto siya at tama nga naman talaga. Kelan nga ba tayo magsasawa sa gawaing ito, wag na nating lokohin ang mga sarili natin. Tamang pagpaplano at paglalaan din ng oras ang dapat.

Minsan hindi rin epektibo ang pagkacram, nakakagaan din sa pakiramdam kapag wala kang masyadong inaalala dahil nagawa mo na ang mga bagay na dapat mong gawin ng maaga at magkakaroon ka pa ng mahabang panahon para sa iba.

 
#KierDanielLiwanag

1 komento:

  1. Hindi-nagpakilalaEnero 25, 2022 7:33 PM

    Merkur Futur Safety Razor Chrome Finish - Xn Shave
    This is a 메리트 카지노 주소 very efficient งานออนไลน์ and efficient Merkur Futur Safety Razor with a good grip. The handle has a rather simple design. Adjustable blades 제왕카지노 in a $59.99 · ‎In stock

    TumugonBurahin