ANG TERROR KONG TEACHER
“Paul! Lakad ka na naman ng
lakad! Umupo ka sa pwesto mo!”
“Paul! Ang kalat mo! Damputin mo!”
“Class, kapag may narinig akong
maingay papaluin ko nitong stick! Humanda kayo saken.”
Nakakarelate ka ba? May bigla ka
bang natandaan sa nabasa mong dialogue? For sure meron!
Hinding-hindi mawawala sa buhay
natin sa elementary ang mga katagang ito ng ating mga guro. ANG TERROR KONG
TEACHER. Kadalasan, sila yung mga teacher natin na matangkad, mahaba ang buhok
o kaya’y laging nakapusod ang buhok, may makakapal na make-up at higit sa lahat
may suot na salamin. Isama mo pa ang lagi nilang pagsimangot. Nakakatakot di ba?!
(Mala-Miss Minchin lang sa pelikulang Princess
Sarah) Grabe na lang ang batang di matatakot sa ganung look ni teacher.
Nang mga panahong ako’y nasa
elementary magpahanggang sa ako’y tumuntong sa high school di pumasok sa isip
ko at di ko rin sinubukang alamin kung bakit nga ba karamihan sa mga teachers
sa elementary kahit sa high school at isama mo pa ang sa kolehiyo ay mga
TERROR?
Ayon sa aking isang guro ngayon
sa kolehiyo, kaya may mga terror teachers dahil sa konsepto nang pagdidisiplina
sa mga estudyante lalung-lalo na sa konsepto ng tamang pagsunod sa mga iniuutos
ng nakatatanda at bilang pagrespeto na din sa mga ito.
Terror lang naman sila sa loob ng
klase pero kapag nasa labas na ng classroom magugulat na lang kayo sa kanilang
ibang karakter. Ibang-iba sa kung ano ang pagkakakilala mo sa kanila sa loob.
Ang mataray, masungit at laging sumisigaw na katangian ni teacher ay siya namang
kasalungat nito. Mabait, madaling lapitan at palatawa naman din sila kahit
papaano. Pero paalala, HINDI LAHAT. Meron din talaga yung kung paano mo sila nakilala
sa loob ng klase ganun din sila sa labas. Bitbit na talaga nila ang ganung
katangian.
Ngunit, nakakabahala lang na
marinig sa mga balita ang mga kwento nang pangmamaltrato ng ibang mga guro sa
kanilang estudyante. Yung tipong ipapakain ng teacher sa kanyang estudyante ang
kalat na papel. Papaluin ng ilang beses sa likuran kapag hindi sumunod sa
ipinag-uutos at kung minsan pa nga’y pamamaso sa kanila. Napakabigat na kaso na
ito. At kakalabanin na nito ang batas!
Responsibilidad ng ating mga guro
ang tamang pagkatuto ng kanilang mga estudyante. Hindi naman masama ang maging
terror. Parte na iyan ng kultura ng edukasyon dito sa ating bansa ngunit huwag
naman sanang humantong sa puntong masasaktan na nila ang mga ito. Parang
pag-arte lang yan sa teatro, kapag nasa entablado ka na, gawin mo ang tama mong
karakter. Kapag wala ka na sa entablado, dapat inaalis mo na ang karakter na
dinala mo.
#SherwinSTinampay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento