Kinder101
ni Remo Franco Manikan
Nung bata ko, puro paglalaro at pagkain lang nasa isip ko,
kaso dumating ung araw na kailangan ko ng pumasok sa eskwelahan, kailangan ko
ng pumasok sa Kinder Level.
Hindi ko na maalala ang buong detalye ng naging
buhay ko sa pagiging Kinder Student, pero may ilang piraso pa naman ng ala-ala
ang nasa isip ko na hinding hindi ko malimutan.
Ang pinaka tumatak sa aking ala-ala ay yung pag
kakaroon ko ng school service na traysikel kahit sobrang lapit lang ng
eskwelahan namin mula sa bahay. Alam mo ung feeling na kaya mo namang lakarin
yung daan mula sa bahay niyo papunta sa pinakamalapit na computer shop? Pero
sumakay ka pa ng traysikel kasi binabayaran yun at service mo un.
Nung namulat ako sa reyalidad ng buhay,
tinanong ko ang Mommy ko kung bakit ba ako may school service nung Kinder ako.
“Delikado kasi pag nilakad mo.”, “May trabaho ako, hindi kita mahahatid.”,
“Hindi naman natin mapapakiusapan si (pangalan ng kapitbahay) na ihatid ka
doon.”, “May trabaho sila Ate (pangalan ng katulong) kaya hindi ka mahahatid.”.
Ayan ang karaniwang sagot niya sa akin nung tanungin ko siya. Gusto ko sanang
baguhin ang nakaraan dahil alam kong may mali. Kahit ang lapit may school service
pa rin? Masyadong magastos. Dagdag sa polusyon sa Pilipinas. May pangambang
baka maaksidente ako. At higit sa lahat, naiinggit
ako non sa mga batang nakikita kong hinahatid ng mga mommy/mama/nanay/inay nila
papasok sa school.
Ako lang ata yung bata doon na walang mommy na
kasama pag pumapasok kaya siguro hindi ko naaalalang umiiyak ako dati
pagpumapasok ako ng eskwelahan . Siguro alam ko na noon na walang magpapatahang
mommy sa akin kaya hindi ako umiiyak. *Haka-haka ko lang naman, siguro umiiyak
din ako nun hindi ko lang maalala*
Kaya sa mga susunod na henerasyon, sa mga
susunod na magiging Kindergarten Student, sana nababasa niyo to, wag kayong
pumayag na ibang tao ang maghahatid sa inyo sa eskwelahan. Iba ang pakiramdam
kapag magulang mo ang naghahatid at nagsusundo sa’yo. Ang sarap sa feeling.
Maliit na bonding moment niyo un na hindi mo dapat mamiss.
Ako at ang Mommy ko. =)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento