ni Sherwin S. Tinampay
Tandang-tanda ko pa ang unang pagkakataon na dinala ako ng aking Mama sa papasukan kong eskwelahan. Ponciano Bernardo Elementary School, isang pampublikong paaralan sa Cubao na malapit sa aming tirahan noon. Noong una, manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Syempre, simpleng paslit lang ako na wala pang matinong pag-iisip sa mga nangyayari sa mga bagay bagay ay mabilis na natutuwa sa mga ganoong pangyayari. Ang sabi pa sa akin noon ni Mama, “Weng (tawag saken ni Mama magpahanggang ngayon. Palayaw ikanga nila), papasok ka na sa school. Magkikinder ka na!” Tuwang-tuwa na ipinaalam sa akin ni Mama. Ako naman, hindi ko alam kung ano ang kinder. Dahil sa nakikita ko si Mama na malaki ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na tumugon sa kanyang sinabi.
Ano
nga ba ang KINDER? Karamihan sa mga nanay/inay/mama/mommy/mamita ngayon pagsapit ng ika-apat o ika-limang taon ng kanilang mga anak ay
ipinapasok na sa antas na ito. Sasabihin pa kay kumare, "Mars! Malapit na mag-June. Saan mo papapasukin ng kinder si Junjun?"
Ang
KINDER ay ang pinaikling salita para
sa Kindergarten.
Ito ay isang salitang German na nangangahulugang “garden of children”, kumbaga, bakuran sa pagkatuto ng isang bata.
Sa antas na ito, tinuturuan na ang mga bata na unti-unting sanayin ang kanilang
mga sarili na wala sa piling ng kanilang magulang. Nagbibigay-daan din ito na
makasalamuha nila ang mga iba’t-ibang bata upang makipagkaibigan at
makipaglaro.
Tuwang-tuwa
sa akin noon si Mama dahil nung unang araw ko sa eskwela ni hindi man lang daw
ako umiyak nang paalisin na sila ni Maam Elsie (teacher ko). Halos lahat ng mga classmate ko nun nag-iiyakan.
Pakiramdam ko nga nun parang babaha na sa classroom dahil sa walang humpay
nilang iyakan.
Simula
nang araw na iyon, nagpatuloy na ang aking pagpasok sa eskwela. Pagsulat,
pagkulay, sabayang pagbabasa at ang pinakamasaya sa lahat ay ang pagkanta namin sa nakakaaliw na indayog ni Maam Elsie sa mga kanta tulad ng Ang Maliliit na Gagamba, Ang Jeep ni Mang Juan, B.U.T.T.E.R.F.L.Y. at
marami pang ibang nakakaaliw na kantang pambata at iba't-ibang mga karanasan na isa sa mga naging instrumento na humubog sa aking pagkatao.
Ako kasama si Maam Elsie noong
ako'y nagtapos sa Kindergarten
"Ang
pagpapapasok sa kinder ng mga bata ay hindi ganoon kasimple sapagkat dito na
pumapasok ang pagkakataon na masusulyapan na nila ang malawak na
mundo sa labas ng kanilang tahanan."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento