BUHAY ELEMENTARYA! Sus-Kwela!
by Ana Jireh R. Bañares
Matapos ang makulay at makulit na mundo ko nung kinder kasama ang mga chikiting na kagaya ko. Buhay elementarya naman ang sunod na hakbang na aking tatahakin.
Sa Penuel Christian School kung saan ako nag-aral nung kinder ay walang elementary, kaya kinailangan kong mag-transfer sa...
MAS MURA. MAS MATIPID. MAS PRAKTIKAL. PAMPUBLIKO.
At syempre may
KALIDAD pa din ang EDUKASYON. Kaya ayun,
PARAÑAQUE ELEMENTARY SCHOOL CENTRAL ang bagsak ko.
Grade 1 ako nun, syempre dahil transferee section 2 lang ako. HAHA! Priority daw kasi ng school ang mga batang doon din sa kanila nag-kinder. Hello?!
Utang na loob syempre. HAHA! Kaya no-choice! Choosy pa ba!? Ay. May choice pa pala, wag kang mag-aral kung ayaw mo nung section mo! :P
So, it's just simply acceptance.
Mataba, mejo kunot ang noo, matanda na ng bahagya, masungit, malabo ang mata kaya nakasuot ng salamin, at may hawak ng patpat - yan ang kadalasang mukha ng Elementary teacher.
Naalala ko nun, patahimik ng patahimik ung titser namin nung Grade 1 ako (Si ma'am Amor sa pagkakaalala ko) - pero wala pa ding tumatahimik. Kaya tinawag ako ni Ma'am.
"Isulat mo nga yung mga madadaldal diyan!" Kaya sinulat ko. Doon ko unang nalaman yung salitang
"NOISY" hanggang nung nag-GRADE 4
ako nagpatuloy ang ganyan. Basta't pag narindi na si Ma'am sa ingay namin dahil busy siya sa kung anuman (minsan may-katawagan, may ka-tsismisang kapwa teacher din o kaya'y may manong/manang na naglalako ng prutas or meryenda sa loob ng school) ABA! Tatawagin na ni ma'am ang kung sinoman sa klase o di kaya'y ang pet niya para maglista sa blackboard ng mga maiingay o NOISY.
Gara lang. Kasi nakakasawa na yung ganyang strategy. HAHA! Ginagawa na tuloy naming lokohan o di kaya'y personalan na ang paglilista.
Halimbawa na lang. Galit ako sa'yo kahit hindi ka maingay, wag ka nang magtaka kasi ililista at ililista pa din kita. Pag-kaibigan naman kita, syempre kahit mag-ingay ka diyan - asahan mo nang di kita isusulat at dapat kapag ikaw din ang nautusang maglista, di mo din dapat ako isusulat. That's what friends are for no! Yung FRIENDS with BENEFITS pala, sa elementary palang nagsisimula na. HAHA! At pag wala naman, di tayo close at di din naman ako galit sa'yo - tamang pagmasid at pag senyas gamit ang hintuturo sabay lagay sa tapat ng bibig at sabing "SHHHH" ang sasabihin ko sa'yo. (Kita mo yun, buti may pag-warning pa!) HAHA! Ang fair no? Walang ka-bias bias talaga!? HAHA. Ganyan ang buhay!
At pagkatapos ni Ma'am magbusy-busyhan sa kung anuman, hihingin niya na ang listahan tapos panakot na "Lahat ng mga nakasulat dito may MINUS sa Quiz/Seatwork mamaya." Tapos ako na napag-utusang maglista, lagot na ko sa mga kaklase kong nalista ko. Uulanin na ko ng sisi at maiinis na sila sa akin. At ang masama pa baka sa susunod, gantihan na nila ko pag sila naman ang napag-utusan maglista ng NOISY. Ganyan ang buhay e. Sabi nga sa golden rule "Huwag mong gawin sa kapwa mo kung ayaw mong gawin di niya sa'yo." Eh, ginawa ko! Kaya yun! Expected ko ng gagawin na din nila sakin! HAHAHA.
Pero syempre, di gaya ng matatanda na mapa-pride, kapag bata, mamaya lang wala na yung inis at galit ng mga kaklase kong nailista ko. Bago kami mag-uwian, papansinin na nila ko! Galing diba?! Yey!
Kasi ang mga bata, di yan ma-pride! Mas pinapahalagahan nila yung pinagsamahan niyo kaysa sa Ego nila. Yun ang maganda eh! Anuman ang naging away, inis, sama ng loob, galit na nangyari sa buhay elementarya, huhupa agad at maayos na nang di pinapatagal. Simple lang no? Di kumplikado. May pag-unawa at pag-intindi ang bawat isa. Kaya nagiging masaya! Kaya ang sarap isipin na ang Buhay Elementarya, Sus-Kwela! HAHAHA.
#enebenene